Tayong lahat ay may iba't ibang katangian at abilidad na nagpapatangi sa atin. Iba rin ang ating mga ugali at saloobin at ang ating mga pananaw sa buhay. Sa pagmasid natin sa mga tao na may ibang hitsura, saloobin at kwento sa atin, hindi natin mapigilang manghuhusga sa kanila. Maging mabuti man o hindi, ang mga husgang ito ay makakapekto sa kanila. Sinabihan tayo palagi na huwag manghuhusga ng mga tao kung hindi mo pa malalaman kung ano pala ang nangyari, ngunit ano ba ang dahilan na bakit tayo nanghuhusga palagi sa ating kapwang tao?
Nanghuhusga tayo minsan sa iba dahil may sitwasyon na nagiging 'narrow-minded' tayo. Kapag narrow-minded tayo, hindi natin pinag-isipan ng mabuti at dumederetso tayo sa isang konklusyon tungkol sa kanya. Kapag laparan natin ang ating mga pag-isip, nag-iisip tayo ng maraming sitwasyon at dahilan na bakit siya ganyan at alam mo rin na intindihan ang kwento niya bago manghusga. Dahil sa pagiging narrow-minded, nakakahiya ito sa sarili mo kapag ang husga at pagtingin mo sa kanya ay hindi totoo at may mas malalim na dahilan na bakit siya ganyan.
Nanghuhusga tayo sa iba dahil sa ating mga pananaw sa ating buhay. Tayo ay may iba't ibang pananaw at opinyon, at kailangan natin iyan respetuhin. Pero, may opinyon tayo na hindi naman tama at ito ay dahilan na bakit kailangan tayo magiging edukado. Nanghuhusga tayo sa ibang tao dahil lang hindi sila naangkop sa ating mga gusto/pananaw o sa mga stereotype ng lipunan. Nakakainis ito dahil ang mga tao ay umaasa na kilusin ng isa ang kanyang stereotype. Kapag hindi naman, diyan na silang nanghuhusga sa kanya.
Nanghuhusga tayo dahil selos tayo sa anong nasa kanila. Kapag nagiging matagumpay ang isang tao, may maraming tao na gustong manghuhusga sa kanya dahil hindi sila makakaabot sa kanyang tagumpay. Ito rin ang dahilan na bakit sinasabihan tayo palagi na "huwag makikinig sa mga husga ng mga tao dahil naseselos lang sila sa'yo."
Hindi natin mapipigilan ang panghuhusga ng isang tao dahil nasa 'human nature' na natin iyan, ngunit dapat natin itong ikontrol dahil hindi tayo alam kung nakakasak
it tayo ng isang tao. Dapat hindi tayo dumederetso sa mga konklusyon at dapat nating pag-uunawain ng mabuti ang kanilang kwento at sitwason. Kapag may narinig tayong husga mula sa iba, huwag itong pansinin at magsikap upang mapatunayan mo na ang kanilang mga husga ay mali. Kapag napatunayan mo na sila'y mali, ito ay isang matamis na tagumpay sa iyo.
No comments:
Post a Comment