Bilang isang estudyante ng Grade 10, nadadaraanan ko ang karanasan sa pagiging parte ng C.A.T. (o Citizen Advancement Training). Lalo na ako'y nagiging isang platoon leader, nadaraanan ko ang pagsubok sa paghawak ng aking grupo. At kung ang usapan ay C.A.T., ang kaganapan ng CAT Camping ay palaging madadala sa pag-uusap. Sa paglapit ng CAT Camping, marami sa aking kaklase ay nasasabik nito. Nagplano rin kami sa aking grupo (Alpha) sa kung sino ang magdala sa mga bagay na kinakailangan sa camping. Puno rin sila ng kasiyahan nito pati na rin ako, ngunit kinakabahan ko rin kung ano man ang mangyayari o kung may makalimutan bang dadalhin. Gayon pa man, inaasahan ko na ma-eenjoy ko ang camping kasama sa aking grupo.
|
Ako at ang aking grupo. |
Sa araw ng camping, noong ika-11 ng Enero 2020, nagmadali ako sa pagpunta sa eskwelahan, ngunit suwerte ako dahil hindi pa nagsimula ang camping. Inihanda at inaayos namin ang aming mga gamit habang naghihintay sa iba pa naming kagrupo. Ngunit, may isa kaming miyembro na matagal sa pagdating, at ang iba sa amin ay unti-unting nawawala ang pasensya sa kanya. Sa pagkakaalam namin sa kanya, alam naman namin na hindi na siya pupunta sa eskwelahan, kaya iniwan nalang namin siya. Dahil dito, nasimulan namin ang camp na puno ng mga alala at stress.
Sa umaga, kinailangan naming makinig sa pagsasalita ng aming punong-guro na si Ms. A at ipinaliwanag niya kung ano ang matutunan natin sa mga kaganapan katulad ng CAT camping. Ipinahayag niya ang kahulugan ng CAMP.
C para sa pagkaroon ng bukas na komunikasyon or
communicating openly. Sa isang grupo, kailangang magkaroon ng komunikasyon sa isa't isa na taos-puso at sa pagiging
open-minded upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan na nagreresulta sa away.
A para sa pagkamit ng mga layunin niyo o
achieving your goals. Upang makagawa ng mga bagay nang matagumpay, dapat may itakda tayong layuning makatotohanan upang may paningin din tayo sa kung ano man ang ating gagawin. Ito ay ang pundasyon ng pagiging matagumpay at kung atin itong pinagsikapan kahit na nabigo tayo sa una ay makamit pa rin natin ito.
|
Ang aking mukhang puno ng pag-alala noong nagluto kami para sa tanghalian |
M para mga alaala na hindi natin malilimutan o
moments to cherish. Ang mga pangyayari sa camping ay nangingiba sa ating ordinaryong buhay, kaya meron talagang mga
first time sa lahat. Lalo na kapag kasama tayo sa ating mga kagrupo at kaibigan, wala itong duda na magkakaroon ng alaalang 'di malilimutan.
P para sa pagkikinig ng mabuti o
paying attention. Ito ay ang kasyosyo ng komunikasyon dahil kapag walang makikinig sa'yo, paano namang maitatag ang mabuting komunikasyon? Kapag makikinig ka, kailangan mong palaging maging mapagmasid sa sinasabi ng mga tao upang may maintindihan ka. Ang pakikinig ng mabuti ay hindi lang makikinig at mag-iintindi, ngunit kailangan din mong ipahayag ang mga ideya mo sa kanyang sinasabi upang mas mapahusay ang gagawin at pati na rin ang relasyon ng grupo.
Pagkatapos, nagkaroon kami ng isang laro na kung saan kailangan naming hahanapin ang mga bandana at aming bandila. Para sa akin, ang larong ito'y di malilimutan ko dahil sa paghihirap naming naranasan sa paghanap nito. Mas masama, umulan habang naglalaro kami at basang-basa kami nito na para sa akin ay nagdagdag sa kahirapan ng laro. Lahat na nasa larong ito ay hindi malilimutan ko. Sa umaga pa lang ay pagod na pagod na kami, ngunit hindi kami nagsisisi. Pagkatapos ng laro ay nakikinig kami sa panayam ng aming guidance counselor na si G. Alfred na nagbigay rin ng isang gawain na kung saan sinubukan ang aming
survival skills kapag nasa karagatan.
Sa tanghalian, kailangan kaming magluto upang may pagkain kami, ngunit posporo o lighter lamang ang dapat gamitin para sa apoy. Mula pa sa araw bago mag-camping, ito ay ang pinag-alalahanin ko dahil wala akong alam nito. Sa amoy ng usok at sa hangin na nag-iistorbo, nagkaroon kami ng paghihirap nito at mas lumaki ang pag-alala ko. Ngunit, sa tulong ng ibang kasama namin, natagumpay kami kahit man lang at may nakain kami sa tanghalian. Ngunit naman, may
twist ang aming tanghalian na kung saan kailangan naming palitan ang aming pagkain sa ibang platun at para kaming niloko dahil hindi kami nakakain sa aming ulam.
Sa paglipas ng hapon, naglaro kami ng mga
mini-games sa isang malaking laro na parang
'The Amazing Race' ang dating, at nakita ko talaga kung gaanong ipinaghanda ang kaganapang ito sa mga organizers at facilitators, at ginawa nila ang kanilang lahat upang magiging matagumpay ito. Hindi ko nalilimutan ang laro na kung saan kukuha kami ng mga karot na inilagay sa isang plangganang puno ng tubig gamit sa aming bibig. Nakakadiri talaga ito dahil hindi ibinago ang tubig na napuno na ng laway at uhog. Isa itong mga pangyayaring gusto kong makalimutan ngunit hindi dahil ito'y nakasusuklam.
Nang dumating na ang gabi, nagluto kami muli para sa aming hapunan. Subalit hindi naman ako gaanong nag-alala noong tanghali dahil alam na namin kung papaano namin itong gagawin upang hindi ito magiging kabiguan. Nagluto ang aming kamiyembro na si Angel ng
pancit bihon at
piniritong baboy. Sa oras ng camping, bongga na bongga ito sapagkat binigyan kami ng limitadong oras upang lutuin ito at siyempre, nagkaroon kami ng masarap na hapunan (akala namin na palitan muli ang aming pagkain, ngunit sa kabutihang-palad, hindi nagiging iyan ang challenge). Naliligo kami pagkatapos sa hapunan at nagsimula ang
campfire pagkatapos. Dito ay nagkaroon kaming lahat ng personal na repleksyon at binigyan din kami ng pagkakataon upang makipag-usap sa mga taong may kinaroroonan ng di-pagkauunawan.
|
Ang ALPHA sa pagtanggap nila ng kani-kanilang pin sa awarding |
Sa sigaw ng
platoon humanay sa aming commander, gumising ang lahat upang makakasali sa
formation. Pagkatapos iyan ay nagluto kami para sa almusal, ngunit ang challenge para sa aming lahat ay magiging tahimik sa paghanda, pagluto at sa pagkain. Nararamdaman ko ang kapayapaan ng isang umagang Linggo dahil walang ingay. Ngunit, bumalik naman ang normal sa paglaro namin ng isang huling laro at pagkatapos, naglinis ang lahat sa buong eskwelahan upang mapapanatilihin ang pagkalinis ng lugar sa paggamit namin.
Nagkaroon kaming lahat ng awarding ceremony upang tapusin ang CAT Camping. Nakontento ako sa aming resulta dahil nasa gitna kami sa
final ranking (3rd). Pero, alam naman naming lahat na hindi ito gaanong kaimportante basta't na-eenjoy natin ang camping.
Pagkatapos ng kung anong dalawang araw ay tilang napakahaba, may natutunan ako ng marami. Natutunan ko na dapat talaga halagahan ang komunikasyon sa grupo at palaging magiging
'open-minded' at tunay sa sinasabi dahil ang isang relasyon na itinatag ng mga kasinungalingan ay madali lang mawawasak. Bukod sa karamihan ng aral na natutunan ko, nalaman ko rin na ang paggugol ng oras sa grupo ay importante rin dahil ito'y kumukonekta at nagpapatibay sa pagkakaisa. Sa isang grupo, importante talaga ang pagiging komportable sa isa't isa, at para sa akin, nakamit ito sa pamamagitan ng CAT Camping.
Ang natutunan ko rin ay dapat akong masasanay sa hindi komportableng sitwasyon at minsan, wala tayong magagawa kundi gagawin kung ano man ang natira. Hindi mo palaging maasahan ang tamis ng pagiging komportable, at upang mabuhay ka sa mundong ito ay dapat mong harapin ang 'di komportable.
Dahil sa camping, napagtanto ko kung gaano ko kamahal at pinapahalagahan ang aking platoon: Alpha. Sapagkat sa lahat na dinaraanan namin sa aming mga
duty, sapagkat sa mga tagumpay at kabiguan, ito ay tiyak na hindi kong pinagsisihan ang bawat sandali. Napagtanto ko rin sa mga
bittersweet na damdamin dahil sa madaling panahon, maghiwalay na kami sa aming mga daanan. Sa lahat ng mga ito ay pinakaimportante talaga na ang camping ay isa sa mga sandali
na dapat nating mahalin dahil bilang Grade 10, ito ay ang ating pinakauna at pinakahuling CAT Camping, at pati na rin sa paggamit ang mga natutunan natin sa ating lipunan.